Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saklolo ni Gov. Sakur Tan sa Mindanao, hinirit

0 146

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sulu Governor Abdu Sakur Tan na tumulong sa kanyang natitirang panahon sa termino para isulong ang kapayapaan sa Mindanao region.

Sa harap na rin ito ng naganap na kambal na pagsabog sa Jolo noong August 24, 2020 na nagresulta sa pagkamatay ng ilang miyembro ng military, sibilyan at pagkasugat ng maraming iba pa.

Sa kanyang talumpati nitong Linggo ng hapon, sinabi ng Pangulo na makulay ang buhay ni Tan at sa dami ng pinagdaanan nitong pagsubok ay nananatiling matatag sa Sulu.

“Why don’t you try to help me within the next few months last term just to talk about peace? It need not really be an arrangement, just talk about peace,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.