Abante Tonite Interactive

Saklolohan ang mga bakwit

242

Dear Abante Tonite:

Panahon ngayon ng pagdadamayan para sa ating mga kababayan sa Batangas at mga karatig nitong lalawigan na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Kalunos-lunos ang kanilang kalagayan sa ­kasalukuyan. Sa pagtataya rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, posibleng magtagal pa ang ­pag-aalburuto ng bulkan. Kapag nangyari ito lalong magiging kaawa-awa ang kalagayan ng ating mga kababayan na lumikas sa kanilang mga pamayanan para iligtas ang mga sarili sa kapahamakan.

Sana bukod sa pamahalaan ay tumulong din ang malalaking kumpanya sa pagkakaloob sa kanila ng mga pangunahing pangangailangan sa mga evacuation center habang hinihintay na humupa ang pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Pagkain, tubig, gamot at iba pang kagamitan ay kailangan nila ngayong pansamantalang nasa ­evacuation center sila.

Personal ko pong panawagan ito at sana ay inyong mapakinggan.
Roberto ng Muntinlupa City

Tonite – Wendys Inhouse Ad