Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sakmal ng Alaga

0 254

Tuwing summer season, karaniwan nang tumataas ang animal bite cases.

Sa tala ng Rural Health Unit dito sa aming bayan sa Tanza, Cavite, umaabot sa 70 ang pinakamaraming kaso ng animal bite sa loob lang ng isang araw.

Ayon sa Municipal Health Officer na si Dr. Ruth Punzalan, ‘Dahil mainit, mas nagiging agresibo ang mga hayop partikular ang mga aso. Madali silang mairita at magalit kaya nakakapangagat.’

Kung minsan hindi lang daw mga stranger ang kinakagat, pati mismong amo o nag-aalaga sa kanila, hindi na rin sinasanto ng mga iritableng aso.

Isa sa nabiktima nito ang disi ocho anyos na si Piolo Mayuga ng Lucena City sa lalawigan ng Quezon.

Kuwento ni Piolo, dog lover siya. Katunayan, tatlo raw ang alaga nilang aso sa bahay. Madalas daw siyang magkulitan sa mga ito. Lagi niyang nilalaro lalo na kapag tapos na ang kanyang school works.

Kaya ni sa hinagap, hindi niya raw inakalang kakagatin siya ng isa sa mga ito – ang paborito niyang alaga na si Apollo. Sabi ni Piolo, ‘Hinihimas-himas ko siya sa mukha, at sa di inaasahang pagkakataon, sinakmal niya bigla ang kamay ko.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero hindi naman daw siya nataranta. Ang una niyang ginawa, nilinis muna ang sugat, tinapalan at nilagyan ng gamot. Pinasok din daw muna nila ang aso sa kulungan para maobserbahan ang behavior nito.

Ayon sa RHU Tanza, hindi lang daw aso ang agresibo ngayong mainit ang panahon. Pati ibang hayop, nag-iiba rin ng mood gaya ng pusa, baboy at unggoy.

Sakaling makagat – huwag daw mataranta.

Payo ni Dr. Punzalan, ‘Kapag nakagat ka, unang-unang gagawin, i-wash mo with soap and water ang nakagat na parte ng iyong katawan, puwedeng bigyan ng first aid, kung may sugat, kung dumudugo, i-compress mo at lagyan mo ng bandage.’

Importante raw na mawala ang laway ng hayop sa sugat. Ang laway na galing sa aso ang nagco-contain ng rabies virus. Kaya kapag nakagat ng aso, dapat hugasan agad ang sugat.

Hindi rin dapat ipagkibit-balikat ang kagat ng hayop. Dahil kung may rabies ito, posibleng mamatay ang nakagat na tao. Kaya matapos hugasan ang sugat, dapat isugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital para maturukan ng bakuna laban sa rabies.

Dagdag ni Dr. Punzalan, ‘Once na nakagat, kailangang magpakonsulta dahil kung talagang rabid ang aso, 100% fatal ‘yan. Ang recommendation ng DOH, once nakagat ka, na-scratch ka, kailangang mabigyan ng post-exposure prophylaxis.

Ang sa akin lang, importanteng paturukan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang hayop para hindi sila makapahamak ng tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.