Abante Tonite Interactive

Sala sa lamig

102

Sa sobrang pakikialam umano sa kanilang trabaho, ilang grupo ng matataas na opisyal sa araw ng karera ang sinasabing “nawawalan na ng gana na magtrabaho.”

Ito ang sinabi ng ilan nating sources sa karera­ tungkol sa “labis na pakikialam” sa trabaho ng mga opisyal tuwing karera ng isang grupo naman ng nagpapalakad sa industriya ng karera.

“Sala-sa-lamig, sala-sa-init” ang ginagawa umano sa kanila ng mga desisyon sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa araw ng karera. ‘Yun daw napaparusahan nila ay agad na nagsusumbong o nag-aapela sa kanilang takbuhan at agad namang nabibigyan ng atensyon.

Madalas ay saliwa sa nakita ng mga opisyal sa karera ang ibinibigay na rason kaya nababale-wala ang kanilang mga trabaho. Kung hindi ka naman gumalaw ay ipatatawag kayo para magpaliwanag bakit hindi ka gumawa ng aksyon.

Saan na raw sila ­pupunta, tanong ng isang opisyal sa karera.

***

Masyado akong na-impressed dito sa namaneho noong isang linggo na Isuzu D-Max.

Ibang klaseng humataw ang diesel truck ng Isuzu at parang kotse ang minamaneho mo sa highway o sa matrapik na daan ng Kamaynilaan. Napaka­tipid sa trapik at maging sa hatawan dahil makikita mo ang dipirensya sa haba ng itinigil mo sa trapik at bilis ng arangkada mo sa mahahabang highway.

Nasubukan ko kasing imaneho ang unang labas ng Isuzu D-Max ilang taon na ang nakaraan at naihataw din namin ito sa Kamaynilaan at sa probinsya. Napakalaki ng diperensya at gagana­han kang i-drive ito kahit saan.

Sabi ko nga kay Isuzu Philippines Corporation senior vice president Art Balmadrid na ibang klase itong bagong Isuzu D-Max sa ganda, lakas, at kumportableng imaneho.

Teka muna, sabi ni Bos Art. Mas matindi pa raw itong New Isuzu D-Max na kanilang inilunsad kamakailan, mas lalo pang pinatindi ang features. Masubukan nga ‘yan.