Abante Tonite Interactive

Salamat kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte at muling nabuksan ang Bantay Bata 163 Children’s Village na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

By
614

tonite-pak-allan-dionesTaong 2003 nagsimula ang nasabing village na tumagal nang 11 years. Nu’ng 2014 ay ni-reassess ng Bantay Bata ang kanilang programa at kinailangang ayu­sin at i-renovate ang ilang mga building nito kaya isinara muna.

Ngayon ay binuksan itong muli matapos sagutin ng Quezon City government ang mga gastusin at operational costs nito. Nag-allocate talaga sila ng pondo para tulungan ito.

Kaya may relaunch at reopening ang nasabing lugar na Bantay Bata Children’s­ Village 2.0 ang tawag ng program director na si Jing Castañeda-Velasco.

2.5 hectares ang laki ng temporary shelter na ito kung saan dinadala ang mga batang nire-rescue. Kasya rito ang at least 120 children. Isa itong community na safe at taken care of ang mga batang edad 0 to under 18.

Ang Bantay Bata 163 ang takbuhan ng mga batang inaapi at inaabuso. Katu­lad ni Len na taga-Iloilo, na nakakaiyak ang kuwento tungkol sa kanyang lolo-tatay.

Ang mismong lolo ni Len ay inasawa ang kanyang ina at siya ang naging supling. Napakaraming kaso ng incest na katulad nito sa buong bansa at patuloy ang Bantay Bata sa pagsagip sa mga kawawang biktima.