Salamat kinarga sa semis ang Judiciary

326

Mga laro sa Linggo:
(Paco Arena)
3:30 pm – DENR vs NHA
5:00 pm – AFP vs Judiciary

Sa likod ng 16 points ni Frederick Salamat, sinungkit ng two-time champion Hudiciary Magis ang fourth semifinals berth nang idemolis ang Philippine International Trading Center, 66-55, sa do-or-die battle sa 8th UNTV Cup 2019-2020 quarterfinals nitong Linggo sa Paco Arena sa Maynila.

Nakaagapay kay Sa­lamat sina former PBA players Warrern Ybanez at Chester Tomolia na mga pumkpok ng 15 at 12 markers para sa pampitong panalo sa 12 laro sa two-round robin .

Ang Magis ang tatapat sa defending champion na AFP Cavaliers sa para­ing na Linggo sa siklab ng best-of-three semifinals sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Bukod sa biktima, pinagbakasyon na rin ng Judiciary ang ­Department of Agriculture kahit ­giniba ang National ­Housing Authority, 87-83, sa kabila na may 7-5 record din dahil sa winner-over-the-other rule.

Hahamunin ng No. 2 DENR Warriors ang no. 3 NHA sa isa pang best-of-3 semis at ang manalo ang aangat championship round ng liga na may papremyong P4M sa mapipiling charity ng champion team at P2M sa pangalawa. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...