Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salamat sa social media

0 286

Wala tayong choice kundi ang tumupad sa pagbabalik ng MECQ sa NCR at sa iba pang malalapit na lugar dahil sa lumalaking bilang ng Covid19 cases sa bansa.

Apektado lahat sa paghihigpit muli ng gobyerno para maisalba ang buhay at kaligtasan ng bawat medical frontliners sa mga ospital.

Paano na ang negosyo? Medyo masakit sa tenga ang sitwasyon pero sa gaya naming resellers, maitatawid naman kahit paano lalo’t homebase lang naman ang paggawa ko ng cheesecake na puwedeng orderin online at ipapadeliver sa mga clients.

Ang masakit ay yung mga gaya naming may puwesto, na hindi makapagbukas ng tindahan dahil sa sitwasyon ng Covid19.

Akala ko nga magtutuloy-tuloy na ang flow ng café namin at ng iba pa dahil sa GCQ, pero balik uli tayo sa “no-dine in, only take-out and delivery” na patakaran.

Mabuti na lang at may social media, dahil kahit paano yung mga nakasanayan na ang mag-order online ay malaking tulong sa resellers.

Nakakaawa yung mga kababayan nating matetenga na naman sa kanilang bahay at walang pagkakakitaan lalo’t bawal ang public transportation.

Yung mga public transport drivers na isang araw lang na pinayagang pumasada, hindi na naman sila makakabiyahe.

Ang showbiz, bagamat maapektuhan siguradong naka-bangko na sila ng pang-dalawa o isang buong buwang episode o tapings ng kanilang mga teleserye.

Paano ba natin susulusyonan ang problemang ito ng Covid19? Ano ang dapat gawin sa pagkakataong ito hirap na ang gobyernong magbigay ng panibagong ayuda.

Tama naman, dapat na maging eye-opener sa ating lahat na dapat nating seryosohin ang disiplina sa pagpapatupad ng safety protocols sa bawat isa, gaya nang pagsusuot ng face masks at face shields sa labas ng bahay o sa pupuntahang lugar, magkaroon ng social distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect ng kamay gamit ang alcohol.

Nasa atin ang solusyon ng problema. Nasa atin kung paano natin matatalo ang Covid 19 para magkaroon tayo ng maayos na kinabukasan, sa inaasam nating normal life.

Samahan natin ng dasal sa Panginoong Diyos na protektahan tayo laban sa sakit at pagalingin nya ang buong mundo.

Walang imposible kung lahat tayo ay magkakaisa.. Gawin natin to.

Leave A Reply

Your email address will not be published.