Abante Tonite Interactive

Salamat sa tulay: Pag-unlad ng agrikultura sa San Miguel, Bulacan posible

434

Nakatitiyak na ng pag-unlad ng agrikultura ang bayan ng San Miguel, Bulacan ito’y matapos maitayo ang bagong tulay na Sitio Brown Bridge sa naturang bayan dahil madali ng maihahatid ang mga produktong agrikultura sa karatig bayan at sa Kamaynilaan.

Nabatid kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Second District Engineer Ramiro Cruz, ipinaliwanag nito na noon ang mga mag-aaral ay napipilitan tumawid sa Sitio Brown River para lamang makapasok sa Sibul High School at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay sa tuwing tumatawid sa ilog lalo na tuwing bumubuhos ang ulan kapag malakas ang current ng tubig sa ilog.

Dahil sa pagkakagawa ng naturang tulay, nagbigay ng malalim na pagpapahalaga si Bulacan Third District Rep. Lorna Silverio sa DPWH at sinabing sa ngayon ay makakadaan na nang ligtas ang mga tao sa Sitio Brown.

Ang naturang proyekto ng tulay na pinaglaa­nan ng P50 milyong pondo na matatagpuan sa 85 meter-long river channel ng Bulacan sa bayan ng San Miguel patungo sa Dona Remedios Trinidad.

Ayon pa kay Cruz, ang 105.80 lineal meter bridge ay nag-uugnay sa Barangay Kalawakan ng Dona Remedios Trinidad na may walong sitio ng Durumungan, Pantingan, Tubigan, Ginebra, Betis, Talamsi I, Talamsi II at Conacon patungo sa bayan ng San Miguel at iba pang lugar papunta sa Manila.