Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salamat Sen. Revilla sa katuparan ng ‘National Press Freedom Day’

0 145

Ikinatuwa ng National Press Club (NPC) ang pagkakapasa sa Senate Bill 670 na nagdedeklara tuwing ika-30 ng Agosto bilang National Press Freedom Day.

Una nang ipinasa ng House of Representatives ang kanilang bersyon sa nasabing panukala noong Hunyo ng nakaraang taon.

Marami pong salamat sa ating mga mambabatas dahil isa itong patunay na kinilala nila ang papel naming mga mamamahayag bilang katuwang nila sa pagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon sa publiko.

Pangunahing layunin ng nasabing deklarasyon na alalahanin at pahalagahan ang kaarawan ng ating bayaning si Marcelo H. Del Pilar na itinuturing natin na father of Philippine journalism.

Si Del Pilar na isinilang noong Agosto 30, 1850, ang editor ng pahayagan na Diariong Tagalog. Naging patnugot din siya ng La Solidaridad, na siyang naging bibig ng mga Pilipinong propagandista sa Espanya.

Bilang isa sa mga bumubuo ng NPC, nais po naming pasalamatan si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na siyang nag-akda ng Senate Bill 670 noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Salamat po Sen. Bong dahil sa kabila ng iyong pagiging abala sa maraming bagay ay nagawa n’yo pa ring tutukan para maipasa sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukala.

Ang nasabing panukala, “An Act Declaring August 30 of Every Year as ‘National Press Freedom Day” ay kabilang sa mga unang inihain ni Revilla matapos siyang manalo at makabalik sa Senado noong 2019.

Marami pong salamat dahil isa po itong katuparan sa aming pangarap at panawagan na kilalanin ang ambag ng ating bayaning si Del Pilar bilang haligi ng malayang pamamahayag sa bansa.

Sabi nga ng aming Pangulo na si Paul Gutierrez, kailangan din namin sa media at pati na rin ng publiko na mapaalalahanan na maging responsable sa gitna ng pagkalat ng mga fake news.

Umasa rin po kayo na bilang mga responsableng miyembro ng media, hindi po namin papayagang umiral ang mga taong may masamang intensyon para magpakalat ng mga maling impormasyon na makakaapekto sa ating mga mamamayan at sa ating bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.