Abante Tonite Interactive

Salamat Sine Sandaan

286

ARA’S SECRET
Ara Mina

Congratulations again to Philippine Cine­ma sa ika-100 years nito. Masaya ako at napasama ako at naging part ako ng celeb­ration nito nu’ng Sept 12, 2019 na ginanap sa New Frontier Theater. I am humbled to be one of the Philippine Cinema Luminaries.

Maraming dumalo sa event at ito ay star-studded. Aside pa doon andoon din ang mga directors, producers, production, mga icon at le­gends sa industriya namin.

Looking back, I’ve been in the industry for 26 years at isa ako sa masuwerteng nabigyan ng break mula nu’ng pumasok ako. Nakagawa rin ako ng 50 movies du­ring my years as an actress from minor roles, to supporting and eventually nakakuha na rin ng mga lead roles. From a pas­serby, teenybopper, wholesome to sexy, hanggang nabigyan tayo ng award bilang Best Actress, na talagang I super che­rish up to this day. Hard work and love for my craft led me here and sa lahat ng naniwala sa akin at nag-support all the way.

Thank you from the bottom of my heart. I’ll be forever grateful.

Salamat po sa mga awards na ito:
•1999 GMMSF Popular Princess of RP Movies
•2000 GMMSF Promi­sing Female Singer
•2002 MMFF Best Actress (“Mano Po”)
•2003 GMMSF Ms. RP Movies
•2003 MMF Best Actress (“Ang Huling Birhen Sa Lupa”)
•2003 Golden Screen Awards Best Actress (“Ang Huling Birhen Sa Lupa”)
•2004 52nd FAMAS Award Best Actress (“Ang Huling Birhen Sa Lupa”)
•2004 Golden Screen Awards Best Performance By An Actress In A Leading Role ­(“Magpakai­­la­n­­­man”)
•2005 Golden Screen Awards Best Supporting Actress (“Minsan Pa”)
•2005 21st PMPC Star Awards Best Supporting Actress (“Minsan Pa”)
•2013 10th Golden Screen Awards Dekada Awardee
Meron akong isa sa mga paboritong quote, ang “Follow your dreams, believe in yourself and don’t give up.”