Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salamat UAAP – Dani

0 229

Hindi man nadepensahan ang kanilang titulo sa kinanselang second semester ng 2019-20 Season 82, pasalamat pa rin si Ateneo Lady Eagles’ star Danielle Therese ‘Dani’ Ravena sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Nitong Sabado, nagkaroon ng online closing ceremony na may replay kahapon sa socmed ang liga kung saan ginawad sa UST ang general championships sa tertiary at secondary, pag-turn over ng ADMU sa hosting duties sa Season 83 para sa DLSU at pagkilala sa mga natatanging student-athletes.

Related Posts

“What could’ve been…#AllForMore Thank you UAAP Season 82 ” tweet kahapon ng 20-year-old, 5-foot-5 veteran libero.

Kinailangang kanselahin ng liga ang mga sports event ng second sem mula noong Abril dahil sa paglaganap ng coronavirus disease. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.