Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salarzon, MRT lusot vs Sabong

0 152

Nagbaon si Jian Matthew Salarzon ng 18 points para takasan ng MRT Negros ang Sabong International Spikers sa marathon game, 25-22, 25-16, 21-25, 21-25, 15-12 sa Day 1 ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s division nitong Lunes sa Aquamarine Sports Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Kasabwatan ng 18-anyos at may taas na 6-2 na balibolista sa Negrense squad sina skipper Christian Marcelino na pumoste ng 16 markers, Jet Nonoy na bumomba ng 12 pts. at Leo Ordiales na may 11 puntos.

Dalawang sunod na atake ang pinakawalan ni Marcelino sa decider upang ilagay ang MRT Negros sa 14-11. Tinapos ni Nonoy ang hampasan upang makuha ang panalo kontra Sabong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi sapat para sa SIS ang 15 points ni Charles David Absin, 14 markers ni team captain Mark Joseph Rocamora, 13 pts. ni Ramil Dela Cruz at 12 puntos ni Jelord Talisayan.

Bumira naman ng 24 puntos si Mark Frederick Calado upang masingitan din ng Team Dasma Monarchs ang Global Remit, 23-25, 25-18, 27-29, 25-18, 15-12 at samahan triple-tie sa lead ang MRT at Go for Gold-Philippine Air Force Aguilas. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.