Abante Tonite Interactive

Salas, Johnson, PetroGazz ngangasabin ang Creamline

275

Aagawan ng korona nina import Wilma Salas, Janisa Johnson at PetroGazz ang defending champions Creamline sa putok ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference best-of-three finals Game 1 ng ngayong Miyerkoles nang alas-singko nang hapon sa FilOil Flying V Centre.

Mabangis ang naging performance ng PetroGazz sa Game 2 semifinals na pangumpleto sa pagwalis sa BanKo Perlas 25-23, 25-18, 25-17 nitong Sabado upang makasampa sa unang pagkakataon sa finals.

“It’s a great feeling because it’s the finals, of course. We’ve been practi-cing and working really hard the whole season for this moment,” bulalas ni Angels team captain American import Johnson na may 13 points, 13 digs, at 13 excellent receptions.

“We know it’s not over yet but we are one step closer to what we’ve been w­orking hard the whole season,” hirit niya.

Pasabog rin ng 23 mar-kers si Cuban import Salas at veteran setter Djanel Cheng na naka-21 excellent sets.

“I’m so happy and I think with the team, with the coach, with the girls, I think this is just the first step,” bigkas ni Salas.

Sa unang laban, agawan sa third place ang na-sweep din ng Cool Smashers na Pacific Town Army at Perlas Spoikers sa alas-tres nang hapon.(Janiel Abby T­oralba)