Abante Tonite Interactive

Salas nag-sorry sa 2 facial

349

Humingi ng paumanhin si PetroGazz Cuban import Wilma Salas tapos ang facial hit sa dalawang player ng BaliPure Psa kanilang laban nitong Miyerkoles sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Natamaan ng Angels reinforcement ng bola sa mukha sina Purest water Defenders libero Jewelle Bermillo at team captain Grazielle Bombita.

Kumayod ang Cuban import ng 12 points at maging sa depensa nang makasiyam na receptions laban sa Purest Water Defenders tungo sa 3-set win ng PetroGazz.

“I’m sorry about that,” bulalas ni Salas. “I tried to avoid hitting anyone. But I don’t care because it’s part of the game. Sorry.”

Nananatili pa ring malinis sa 4-0 ang record ng Angels na nagunguna sa team standings ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 eliminations, habang nanatiling itlog sa panalo sa tatlong salang ang BaliPure. (Janiel Abby Toralba)