Abante Tonite Interactive

Salceda: Bagong Agri Free Patent Reform Act isusulong ang ekonomiya

0 178

Tiyak na isusulong ng bagong Agricultural Free Patent Reform Act (RA 11231) na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakailan ang pamumuhunan sa kabukiran at lalago ang ambag ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa.

Tinatanggal ng RA 11231 ang mga hadlang sa mga may-ari ng sakahing lupa at mga ‘free patent’ na isangla o ibenta ang mga ito sa loob ng limang taon mula nang mapasakanila, kaya ito’y iniiwasan din ng mga bangko dahil walang silbing buruhin nila ito ng ganun katagal bago maitransaksiyon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na siyang pangunahing may-akda ng panukalang batas sa Kamara, padadaliin nito ang transaksiyon sa mga bukirin at mga ‘patent’ kaya inaasahang madaliang aarangkada ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura dahil magagamit na rin nila itong sangla sa paghiram ng pondong puhunan sa kanilang negosyong bukid.

“Para sa isang bansang agrikultura ang pundasyon, na ang ambag ng agrikultura sa buong ‘gross domestic pro­duct (GDP)’ natin noong 2017 ay 8.5% lamang. Sa ilalim ng bagong batas, inaasahang lolobo ito,” pahayag ng mambabatas.