Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salceda CDCP bill aprub sa Kamara

0 102

Pinagtibay ng House Committee on Health ang House Bill 6096 na naglalayong magtatag ng Center for Disease Control and Prevention (CDCP) sa ilalim ng Department of Health (DOH).

Akda at inihain sa Kamara ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep, Joey Salceda noon pang Enero 2020 ang panukala dahil sa inaasahang pagkalat ng pandemya.

Umabot sa 167 ang mga mambabatas na naging ‘co-author’ ng panukala na ang ilan ay naghain din ng katulad nito, batay sa orihinal na konsepto ng biglaang paglitaw ng ‘health emergencies’ at pagkakaroon ng “higit na kahandaan at pagtugon” sa gayong pangkalusugang problema ng bansa.

Sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling SONA niya na prayoridad ang naturang panukala at ipinauubaya niya sa Kongreso ang paglikha nito. Kamakailan lamang ay ipinahayag din ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na dapat itong maisabatas ngayong taon.

Ayon kay Duterte, sadyang kailangan ang panukalang ahensiya “para maging handa sa pandemya, maprotektahan ang buhay at patuloy na sumulong ang bansa kahit sa gitna ng matitinding suliranin.”

SM food to go Banner Ad

“Titiyakin ng CDCP ang akmang mga hakbang laban sa ganung mga suliranin na hindi nababara ng masalimuot na mga proseso gaya ng nangyayari ngayon,” giit ni Salceda.

Kapag naitatag ang CDCP, isasailalim ito sa pagsubaybay ng Health Emergency Coordinating Council (HECC) kung saan chairman ang DOH Secretary, ayon pa sa solon.

Sa talakayan ng Health Committee, iginiit ni Salceda na panatilihing nakatuon sa paglaban sa mga nakakahawang sakit ang mandato ng CDCP, dahil paraan ito upang mapigil ang hawaan.

“Ang tagumpay ng Vietnam laban sa COVID-19 ay batay sa kaisipang ito kung saan maagap na naihiwalay ang ilang tiyak na nahawaan na at nilimitahan ang pagkilos ng mga posibleng taglay na ang virus ng sakit,” sabi pa ni Salceda.

Nilinaw pa nito na ang CDCP bill ay kakambal ng panukalang Department of Disaster Resilience bill na siya rin ang may-akda at sponsor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.