Abante Tonite Interactive

Salceda kumambyo sa P100M pork

378

Kumambiyo si Albay Rep. Joey Salceda sa kanyang pahayag na magkakaroon ng tig-P100 milyong pondo ang bawat congressman sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa 2020.

Binawi ni Salceda ang sinabi nito sa press conference sa Malacañang noong Miyerkoles. Aniya, ang pondong makukuha ng bawat ­congressman ay nakasalalay sa pangangailangan ng bawat distrito.

Sumundot pa ang vice-chairman ng House committee on appropriations na ang bawat mambabatas ay maaari lang magpanukala pero hindi maaaring makapag-amiyenda sa panukalang budget sa ilalim ng House Bill No. 4228
“We would like to make it clear that just like senators, governors, mayors and barangay officials, members of Congress can only go as far as recommending projects for their respective areas,” paliwanag ni Salceda. (JC Cahinhinan)