Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salceda tututukan pagsulong ng sariling distrito sa 3rd termino

0 42

LEGAZPI CITY – Tututukan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa ikatlo niyang termino sa Kamara ang pagsulong ng kanyang distrito, at ang maseselang pambansang mga usapin gaya ng mga reporma sa pananalapi, rebolusyon sa agrikultura at mahahalagang serbisyo sa mga mamamayan.

Si Salceda ay chairman ng House Ways and Means Committee sa magtatapos na Kongreso. Wala siyang kalaban sa katatapos na halalan. “Panahon naman para madama ng aking mga kalalawigan ang “bunga ng aking ‘Quantum Leap to the Future platform,’ at ng walang pahinga kong pagsusumikap sa serbisyo publiko,” pahayag niya.

Kilalang ekonomista, naging tagapayo si Salceda ng ilang dating Pangulo ng bansa. Bago siya pumalaot sa politika noong 1998, kilala siya bilang pinakamahusay na ‘eonomic analyst’ sa Asia.

Sa magtatapos na Kongreso, inakda niya ang mahahalagang batas pangreporma, kasama ang Amyenda sa Public Service Act, ang ‘Foreign Investments Act,’ at ang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.’

“Ngayon naman, gagawin nating isa sa pinakamasiglang mga ‘metropolis’ ng bansa ang ‘Capital District’ ng Albay at isusulong natin itong maging ‘Queen City of the Pacific Coast.’ Maraming magagandang pagkakataon ang naghihintay at ang tagumpay natin ay magiging tagumpay na ating lalawigan, ng buong Bikolandia at ng ating bansa,” dagdag niyang pahayag sa proklamasyon ng kanyang panalo nitong Martes.

Ayon kay Salceda, tututukan niya hanggang katuparan ang ilang programa, kasama ang 1) pagtatatag ng Philippine Science High School Daraga Campus; 2) pag-angat sa Camalig National High School na maging sentro ng mga ‘special programs in sciences;’3) suportang badyet para sa bagong likhang ‘Bicol University College of Dental Medicine,’ at; 4) pagpapasimula sa operasyon ng bagong ‘Bicol Regional Training and Teaching Hospital’ (BRTTH) bilang ‘Bicol Regional Hospital and Medical Center.’

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pagbago sa dating BRTTH bilang isa na ngayong ‘general and subspecialty hospital with an 800-bed capacity,’ ay naging daan din para tawaging itong ‘PGH of the South.’ Naganap ito sa ilalim ng RA 11719, na akda ni Salceda na pinagtibay naman ni Pangulong Duterte.

Ang pag-angat sa antas ng BRTTH ay itinuturing na isa sa mga mahahalagang ‘accomplishments’ ni Salceda sa pangalawang termino niya sa Kamara. Ang dalawang iba pa ay ang pagkayari ng Bicol International Airport o BIA sa bayan ng Daraga na magiging ‘gateway’ ng Bikol sa mundo at ng mundo sa Bikol, at ang matagumpay na ‘COVID-19 response and risk management efforts’ ng ika-2 distrito Albay, na isa sa ilang lugar na magaang nalampasan ang pandemya sa bansa.

Binigyang diin ni Salceda na patuloy niyang isusulong ang mga “national legislative imperatives” kasama ang 1) ‘Fiscal consolidation reforms — consumptive taxes on gambling;’ 2) ang ‘2nd Agricultural Revolution’ na magtatampok ng ‘land consolidation,’ pagpapatawad sa utang ng mga Agrarian Reform Beneficiaries, dubling badyet sa Agricultura, kasama ang “R&D, crop insurance, enterprise development and farm-to-market-value infrastructures;” 4) Mga serbisyong pang-masa gaya ng paglikha ng “Center for Disease Control, Department of Disaster Resilience, Department of Water;” 5) Mga repormang pang-social welfare — pagbago sa balangkas ng PhilHealth, pagpapalakas sa HMDF bilang ‘Central Provident Fund (Singapore model);’ 6) ‘Comprehensive Education Reform Agenda;’ 7) Pagtaas sa antas ng serbisyo ng gobyerno — madaling pagbayad ng buwis, madaling pagkuha sa pang-madlang ‘social benefits;’ 8) Mga reporma sa enerhiya — patas na presyo ng kuryente, regulasyon at paglikha ng enerhiyang nukleyar; 9) ‘Skills development’ – higit na mataas na antas ng pagsasanay ng TESDA, pagtatatag ng ‘Meister Schools,’ at ‘21st Century Skills Act.’

Tungo sa lalong pagpapasulong sa kanyang distrito, isinama rin ni Salceda sa kanyang listahan ang mabisang ugnayan sa DOTr at CAAP para tiyakin ang pasimulang operasyon ng ‘international flights’ sa BIA ngayong taon; pagbukas ng mga ugnayang daan sa paligid ng BIA at sa apat na ‘train quadrant stations’ ng Daraga; at ‘International Road System’ na mag-uugnay sa ‘airport-train nucleus’ sa AH26 at sa mga pantalan at ‘urban centers.’

Kasama rin dito ang pakikipag-ugnay sa PNR para magamit ang luma nitong riles ng train para sa isang “tramway system” upang maging “tourist attraction” at makatulong sa pagpapagaan ng trapik sa paligid ng mga nabanggit na mga pasilidad.

Gayundin ang paggamit sa dating ‘domestic airport’ na gagawing Central Business Hub ng Albay; mga tulay na mag-uugnay sa ‘Rapu-rapu island town’ sa ‘Albay mainland;’’ at sa pagkumpleto sa daan sa Mayon Southeast Quadrant.

Leave A Reply

Your email address will not be published.