Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sales agent binoga sa ulo

0 349

Nauwi sa pamamaril ang banggaan ng dalawang motorista na nagresulta sa kamatayan ng 38-anyos na binata sa Bacoor City, Cavite.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Anthony Ryan Bartolome, sales staff at residente ng Mambog 3, Bacoor City, dahil sa tama ng kalibre 45 mula sa suspek na si Robert Domingo Espanto, 53. Magkakilala umano ang dalawa at magkalugar.

Ayon kay P/SSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police, alas-siyete kamakalawa ng gabi nang naganap ang pamamaril. Bago ito, ay aksidente diumanong nabangga ng motorsiklo ng biktima ang suspek sa harapan ng DiVi Mall sa Mambong 3, Bacoor City, Cavite subalit imbes na mag-usap at nagkasundo, naghiwalay ang dalawa hanggang sa kapwa nakauwi sa kanilang bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May binili sa tindahan ang biktima malapit sa kanila nang nakasalubong nito ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo gamit ang kanyang kalibre 45,” sabi ni Rimbang.

Dagdag pa ng opisyal, dati nang may alitan ang dalawa na posibleng ito rin ang dahilan kung bakit binaril ng suspek ang biktima.

Naaresto naman ng mga rumespodeng barangay official ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bacoor City Police habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.