Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sales lady nilaban P200 sa holdaper, tinodas

0 405

Ibinuwis ng isang sales lady ang kanyang buhay dahil lamang sa halagang P200 makaraang manlaban ito sa lalaking nangholdap sa kanya sa pinapasukang boutique sa Malabon City kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon si Maribeth Camilo-Goco, 47, may asawa, taga-Barangay Baritan ng nasabing lungsod, dahil sa anim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kwento ng witness na si Cerio Cifriano Jr., ala-1:45 ng hapon, may isang lalaki na pumasok sa Miliza’s Lingering Accessories Boutique sa Unit 2, No. 352 General Lunas Street, Barangay Baritan, Malabon City, kung saan sales lady ang biktima.

Tinutukan daw ng patalim ng suspek ang babae at nagpahayag ng holdap pero nanlaban ang huli at kinalmot sa mukha ang una.

Dahil doon, pinagsasaksak ng holdaper si Goco.

Papatakas na ang suspek subalit tiyempong nasalubong ito ng mga pulis na noo’y may mga dugo ang damit kaya agad itong pinosasan.

Nakilala ang suspek na si Leo Ifsor, 39, ng Barangay Daang Hari, Navotas City.

Narekober din sa kanyang pag-iingat ang patalim na may habang 10 pulgada na ginamit sa pagpatay. Nabawi rin sa kanya ang P200 cash na kinuha nito sa sales lady. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.