Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sales manager nagpatiwakal sa condo

0 84

Wala ng buhay nang madiskubre ang isang sales manager na nagbigti sa tinutuluyang condominium kamakalawa sa Malate, Maynila.

Ayon kay PSSG Dennis Suba, ng Manila Police District-homicide section, ang 35-anyos na biktima ay nadiskubreng patay alas-7:40 ng umaga ng kanyang kaanak na nakabitin ang leeg mula sa kisame ng condo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Blanko naman ang mga kaanak sa dahilan ng pagpapakamatay ng sales manager.

Hindi na rin ito pinaimbestigahan sa paniwalang walang foul play sa pagkamatay ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.