Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saleslady hinipuan sa dyip, pintor hinawla

0 73

Swak sa piitan ang isang pintor nang lamasin ang dibdib ng katabing saleslady sa loob ng pampasa­herong dyip sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Bernadette Hermoso Siapco, 23-anyos, dalaga, at residente ng Brgy. Santa Monica, Quezon City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Ronald Berdos Suliva, 39, walang asawa, at naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.

Sa report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-6:30 ka­makalawa ng gabi nang maganap ang pambabastos sa Sangandaan Quirino Highway, Brgy. Sangandaan, Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Shiela Grace Aquino ng Women’s and Children Protection Desk, ha­bang nasa loob ng pampasaherong dyip ay tumabi ang suspek sa naiidlip na biktima at nilamas ang dibdib.

Dahil dito ay sumigaw ang biktima sa suspek ng “Ang bastos mo!” saka nagsumbong sa driver na agad namang nakahingi ng tulong sa mga tanod na sina Jarwin Jarapa at Marvin Velasquez ng Brgy. Sangan­daan, QC, na dumakma sa lalaki.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong Acts of Lasciviousness laban sa kanya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.