Abante Tonite Interactive

Saleslady minanyak ng Indian national

451

Kalaboso ang isang Indian National nang ireklamo ng sales lady na kanyang hinipuan sa swimming pool sa Valenzuela City kahapon nang madaling-araw.

Si Simronjit Singh, 21, taga-162 Sta. Quiteria, Caloocan City ay ipinagharap ng kasong Acts of Lasciviousness sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Sa sworn statement ng biktimang si Jen, 28, dalaga, taga-Tondo Manila sa Women’s and Children Concerned Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, dakong ala-1:20 nang madaling-araw, nagsu-swimming sila ng kanyang mga kaibigan sa Villa Marta resort na nakabase sa T. Concepcion St., Brgy. Marulas,
Valenzuela City nang lapitan ang dalaga ng suspek at dalawang ulit siyang hinipuan sa maseselang parte ng katawan.

Umahon sa tubig si Jen at ipinagwalang-bahala na lang niya ang pangyayari para makaiwas sa gulo.

Gayunma’y inakala ng suspek na nagustuhan ng dalaga ang kanyang ginawa kaya kahit saan siya magpunta ay sinusundan na ng Bumbay.

Bunga nito, hindi na nakatiis ang biktima kaya humingi na siya ng tulong sa mga staff ng resort na kaagad namang tumawag ng pulis at ikinulong ang suspek. (Orlan Linde)