Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sali na sa ‘Global Hand Washing Day’

0 45

Kaliwa’t kanan ang makikita natin tungkol sa minimum health requirement na naging mandato ng ating pamahalaan dahil sa pandemya na nagawa ng Covid19.

Ipinapatupad sa lahat ng lugar, gusali, pati sa mga sasakyan ang mga ito. Ang magsuot ng face mask at face shield, ang social distancing, at mag-disinfect o maghugas ng kamay.

Ang huli ay matagal nang itinuro sa atin ng ating mga magulang, lolo’t lola, o kung sino man nakakatanda sa atin.

Maghugas ng kamay bago kumain, bago humawak ng mga delikado o sensitibong bagay, pagkatapos gumawa ng gawaing bahay o kung ano man.

Ngunit kailan ba talaga nagumpisa ang pagkamalay ng relasyon ng kalusugan at ng paghugas ng kamay.

Nagmula noong 1940’s na kinakailangan maghugas ng kamay ang mga magaaral bago kumain ng kanilang hapunan.

Ang may pasimuno nito ay si Ignaz Semmelweis, isang Hungarian na doktor na nagtatrabaho sa Vienna General Hospital, kaya ang tawag sa kanya ay Father of Hand Hygiene. Noong October 15, 2008, ginanap sa bansang India ang unang Global Handwashing Day.

Naging pangako ng mga nakilahok na ipagpapatuloy nila ang proyekto na ang layunin ay: 1. Suportahan ang kultura ng paghugas ng kamay sa lahat ng lipunan, 2. Bigyang atensyon ang ugali ng paghugas ng kamay sa bawat bansa sa buong mundo, at 3. Maipaalam ang benepisyo ng paghugas ng kamay. Kaya idineklara ang October 15 ng bawa’t taon bilang Global Hand Washing Day. Ngayong taong ito, ang tema ay “Hand Hygiene For All”.

Paano nga ba ang tamang paghugas ng kamay? May pitong hakbang dito, at ito ang sumusunod:

1. Basain ang mga kamay ng tubig at lagyan ng sabon hanggang sa bumula ito;

2. Kuskusin ang dalawang palad ng kamay ng mabuti;

3. Kuskusin ang likiran ng mga kamay;

4. Magkasalitan ang mga daliri, kuskusin ang mga ito ng magkaugnay,

5. Habang magkakadikit ang mga daliri, ikuskos sa kabilang palad, magkabila;

6. Linisin ang hinlalaki;

7. At ikuskos ang mag palad sa mga daliri.

Huwag madaliin ang prosesong ito, pinakamadali ay kumanta ng happy birthday habang naghuhugas ng kamay. Hindi dahil mayroong may birthday, kundi eto ang sapat na oras para makasiguro na nahugasan ang buong kamay.

Sa totoo lang, hindi natin kailangang magkaroon ng isang araw para paalalahanan tayo maghugas ng kamay. Ito pa rin ang pinakamadaling paraan para mapuksa ang karamihan ng mga karamdaman, lalong lalo na ang Covid19. Kaya ugaliing maghuagas ng wasto ng ating mga kamay.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.