Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salingpusa na na lang ang DOH

0 441

Sa matinding problemang kinakaharap ng bansa sa COVID-19 mukhang paliit na nang paliit ang papel na ginagampanan ng Department of Health (DOH).

Kung dati ay aligaga si DOH Sec. Francsico Duque sa napakaraming bagay, kabilang ang pag-asikaso sa mga equipment na kailangan para makaiwas sa coronavirus ay mukhang nabawasan na ang kanyang obligasyon.

Ito ay dahil sa apat na czar na itinalaga ng Pangulo na mangangasiwa sa pagkalat ng virus.

Ibig sabihin ang natitira na lang malaking papel ng DOH na inaabangan ng taumbayan ay ang paglalabas ng COVID update. Pero hindi pa rin siya ang in-charge dahil nariyan si Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Ibig sabihin ay nawawala na nga sa eksena si Sec. Duque, kanya nga lamang lagi pa rin siya present sa mga pag-uulat sa bayan na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kahit present siya ay hindi ganun kalaki ang pakinabang sa kanya ng taumbayan at sa halip ay pinanggigigilan pa ng taumbayan dahil sa mga palpak na polisiyang ginagawa.

Kanya nga lamang sa kabila ng lahat ng kapalpakan ay nananatili pa rin ito sa puwesto dahil sa tiwala ng Pangulo.

Sabi tuloy ng mga makukulet na kritiko ng DOH, kung hindi kayang sibakin si Duque, lusawin na lang kaya ang DOH para siguradong damay sya.

***

Buking na ang kalokohan ng mga local government units kaya pala problemado ang mga telecommunication company sa pagtayo ng tower para maayos ang kanilang serbisyo.

Mantakin ninyong pinahahanap mismo ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga corrupt local government officials at pati na ang mga kasabwat na nagpapatagal sa pagtatayo ng mga telecommunication towers sa bansa.

“Alam mo you can ask Bong (Senator Bong Go), or Sonny (Finance Secretary Carlos Dominguez III) or the generals, kay Sec. (Eduardo) Año. Isumbong n’yo na lang nang diresto,” pahayag ni Presidente Duterte sa isang video na ipinalabas sa PTV-4 noong Biyernes.

Malinaw ang mensahe ng Pangulo kaya siguro naman ay natinag na ang mayor na makakapal ang mukha na ginagatasan ang mga telco.

Masyado naman kasing marami ang rekisitos na 25-29 permit para maitayo ang isang tower kaya tumatagal ng walong buwan ang pagkuha pero malinaw na modus pa rin ang kanilang diskarte.

Sabi nga ni Globe Telecom president and CEO Ernest Cu, bukod sa napakaraming permit na walong buwan nilalakad ay sangkatutak pang miscellaneous fee ang kanilang binabayaran.

Kabilang dito ang iba’t ibang klaseng tower fees at special use permit.

Kaya siguro bibihirang LGU ang nagrereklamo sa telco dahil sila ang pasimuno sa mabagal na pagsasaayos ng mga tower ng mga telco.

Mahiya naman kayo mga mayor dahil ibinuking na kayo sa Pangulo ni Globe telecom President at nakakatiyak akong kayo ang isusunod na kakaladkarin sa kahihiyan ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.