Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salisi gang tiklop sa call center agent

0 42

Ipinaaresto ng 38-anyos na call center agent ang isang hinihinalang miyembro ng ‘Salisi’ gang na sumama sa kanya hanggang bahay at tinangkang tangayin ang kanyang Apple airpods sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si John Carlo Tuazon, 38, call center agent, at residente ng Barangay San Isidro Labrador, Quezon City.

Agad namang nadakip ng mga tanod na sina Emilio Selga at James King ng Barangay San Isidro Labrador, ang suspek na si Edgardo Jr. Dela Cruz, 29, helper ng Aqua Galilee, at naninirahan sa Barangay 527, Sampaloc, Manila.

Sa report ng QCPD-La Loma Police Station 1, alas-1:45 kamakalawa ng madaling-araw nangyari ang insidente sa tahanan ng biktima.

Batay sa imbestigasyon, habang naglalakad pauwi si Tuazon ay sinabayan siya ng suspek at kung ano-ano ang itinanong hanggang makarating sila sa tahanan ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Pagdating sa bahay ay nakiusap na makikiinom ng tubig ang suspek kaya pinaghintay niya ito sa labas. Napansin ng biktima na sumunod sa kanya si Dela Cruz at pinalabas niya ito pero sagot ng suspek, makikiihi muna ito.

Tumanggi si Tuazon pero nagmatigas ang suspek at nagbantang mag-iiskandalo at “sasabihin ko na may nangyari sa atin.” Lalabas lang daw siya kung bibigyan siya ng biktima ng t-shirt at shorts.

Upang matapos na ay pinagbigyan ito ng biktima pero naibulsa na pala ng suspek ang kanyang airpods.

Pagkaalis ng suspek, agad nag-report si Tuazon sa barangay kaya nadakip ang nauna.

Nabawi sa suspek ang tinangay na Apple airpods Gen 2 bluetooth headset na nagkakahalaga ng P6,000; isang P500 t-shirt, at maong shorts na nagkakahalaga ng P700. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.