Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salisi vendor kalaboso

0 253

Binitbit sa kulungan ang 36-anyos na lalaki na modus ang pagtitinda pero ang pakay ay sumasalisi, nang naaresto matapos na itakbo ang isang cellphone ng isang nagpapa-car wash sa Imus City, Cavite.

Kasong theft ang isinampa laban sa suspek na si Ronald Aspillaga dahil sa reklamo ni Rommel Tapia, 28, binata, negsoyante.

Sa ulat ni Pat Gerald San Miguel ng Imus City Police Station, dakong alas-10:20 kamakalawa ng umaga nang pumasok ang suspek sa loob ng car wash service ng biktima na matatagpuan sa Brgy. Anabu 1-D ng naturang lungsod at nagkunwaing nag-aalok ng paninda.

Nang tumanggi ang biktima sa inaalok ng suspek, lumabas ito pero napansin ang nakalapag na Oppo F11 Pro na nagkakahalaga ng P17,000, at agad nitong ibinulsa saka nagmamadaling lumabas.

Pero napansin ito ng biktima kaya hinabol ito na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto saka ini-report sa pulisya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.