Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saliva test vs COVID kinopo ng Red Cross

0 106

Nilinaw ni Department of Health Undersecretary Rosario Vergeire na limitado lamang sa mga laboratoryo ng Philippine Red Cross ang gagawing COVID-19 saliva test.

“Sa Philippine Red Cross lang muna po natin ipatutupad. Aantayin pa ho natin iyong RITM validation study results bago natin ma-full implementation sa lahat ng laboratoryo sa bansa,” ani Vergeire.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagama’t ang Red Cross ang unang gagamit sa saliva test, hindi binanggit ni Vergeire kung ipapatupad ito sa mga umuuwing overseas Filipino worker na karaniwang gumagamit ng swab test sa paglapag sa paliparan, at ang iba ay umaangal dahil kinakalikot ang kanilang ilong at lalamunan.

Paalala ng mga awtoridad sa magpapa-test gamit nito, hindi maaaring uminom, kumain, manigarilyo, o magmumog sa loob ng 30 minto bago kunan ng sample ang sinumang indibidwal na magpapa-test gamit ang ganitong paraan.

Nagkakahalaga ng P2,000 ang saliva test kumpara sa swab test na P3,500 hanggang P5,000. (Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.