Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SALN ng mga DOTr exec pinasumite sa DOJ

0 59

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga opisyal ng kagawaran na isumite ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) sa anti-corruption task force ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Tugade, tatlong taon na SALN ang kanilang isusumite kasama ang mga sangkot sa project management at procurement.

Sabi ni Tugade, ikumpara ang mga isusumiteng SALN at sabihin sa kanya kapag may napansin ang DOJ task force.

Dagdag pa nito na nagkasundo na sila ng DOTr executive hinggil sa pagsusumite ng SALN para ipakitang nakikipagtulungan ang kagawaran na walisin ang korapsyon sa gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.