Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salpukan ng 2 motor, 3 nadale

0 80

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang tatlong rider nang magsalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa Kawit, Cavite Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na sina Elisabeth Escobio, 25, isang call center agent at angkas nito na si Jomar Ellorde Villegas at Jodhel Aramos Baldovino, 27, isang helper.

Sa ulat ni Corporal Mark Anthony Dealca, ng Kawit Municipal Police Station, alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Minamaneho ni Escobio ang kanyang Yamaha Vega Force na motorsiklo at angkas nito si Villegas habang binabagtas sa Centennial Highway north bound sakop ng Brgy Potol, Kawit Cavite. Isang Honda RS naman ang minamaneho ni Baldovino at binabagtas ang nasabi ring lugar.

Liliko sana pakaliwa ang motorsiklo ni Escobio nang nakasalpukan niya ang minamanehong motorsiklo ni Baldovino na patungo naman sa south bound pa-Gen Trias City.

Kapwa isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang mga riders dahil sa tinamong sugat sa katawan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.