Abante Tonite Interactive

Salpukan ng 4

241

Ray Mark Patriarca

Dalawang koponan ang parehong dumaan sa lusak noong Linggo, pero ang isa may karapatan pang magbunyi samantalang ang isa, haharapin ang parating na Mayo na pahinga muna sa ensayo, laglag muli sa pinakahabol-habol na numero ng bawat UAAP schools, ang Final Four.

Una ay ang University of the Philippines, hindi man kilala bilang magiting na volleyball varsity team ngunit wala atang aayaw sa puso ng isang Iskolar ng Baya.

Abante Hiring – IT dep

Dehado man, pilit pa ring lumalaban, maski hindi gumana ang mahika tapos pabagsakin ng nasa sixth spot National University sa matira, matibay na five set game at tuluyang muling kulangin sa playoff seat.

Talo rin ang FEU Lady Tamaraws, parang walang suwag laban sa singhal ng mga tigre ng University of Santo Tomas na nanakmal sa straight set. Pero ‘di tulad ng UP, swak na sila sa Final Four.

At ngayong kasado na apat na koponang paparada sa kwadradong court, aking titimbangin ang mga dapat abangan hindi pa man tapos ang eliminations.

Sisimulan ko sa pinaka-obvious, ang De La Salle Lady Spikers. Susubukan ng mga mamamana ang four-peat para manatiling reyna ng hampasan, ngunit ‘di katulad ng mga nakaraang season, mas magiging mahirap ang daan nila para makalampas sa semis.

Wala na ang ilan sa kanilang mga key player noong isang taon, ngayon ay pinangungunahan ng isa pang beteranang si Des Cheng at ng beauty and skills ni Michelle Cobb.

Napag-usapan ang La Salle, ‘di syempre mawawala ang kanilang mortal na karibal mula sa Katipunan, ang Ateneo Lady Eagles.

10 straight wins ang sinungkit ng mga agila, na pinutol ng unang nabanggit na koponan. Kung titingnan sila ang favorite na magtuloy-tuloy hanggang tropeo, halos buo ang roster tampok ang mga toreng sina Bea de Leon, Kat Tolentino at Maddie Madayag, dahilan para maging first pagdating sa blocking.

Ngunit kung mayroong dark horse ngayong season, iyon walang iba kundi ang UST. Maraming naging tagahanga ang Tigresses pagpasok ng season. Tumapos lamang ng seventh sa UAAP 80, ngayon ay literal na binaligtad ang standing at pasok na sa F4 sa taong ito.

Ilang taon ding nagtiis sa gitna ang UST, ngayon ay may dagdag pangil na para ipakita ang angas sa pagdating ng kanilang super rookie na si Eya Laure para damayan si Sisi Rondina sa pag-angat ng España-based squad.

May kulang dalawang linggo na lang para ihanda ang inyong mga puso sa pagsiklab ng apat na koponan sa posibleng pinakadikit na Final Four series sa nagdaang dekada.