Abante Tonite Interactive

Salpukan ng 8 sasakyan nagpatrapik sa NLEX

574

Nagkabuhol-buhol ang trapiko paluwas sa Metro Manila dahil sa karambola ng walong sasakyan sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) Linggo ng hapon.

Nangyari ang aksidente paglampas ng exit sa Mexico-Pampanga section ng NLEX.

Sa inisyal na ulat, sinisi ang isang motorista na bigla umanong nagpreno dahilan para magbanggaan ang pito na iba pang sasakyan kabilang ang isang bus.

Nasa apat katao naman ang iniulat na nasugatan sa insidente.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay nag-iimbestiga pa ang mga tauhan ni Mexico Police chief Lt. Col. Jurtiz Rara sa insidente. (Jojo de Guzman)