Abante Tonite Interactive

Salto ang birth certificate

501

Dear Atty. Claire,

Gusto ko lang itanong kong may solusyon ba kaya itong aking problema tungkol sa nakagisnan kong pangalan na ginagamit ko hanggang ngayon?

Iba naman ang pangalan ko sa birth certificate. Wala namang problema sa birthday at apelyido, ‘yon lang pong pa­ngalan ko.

Ano po ba ang dapat na gawin ko?

Maraming salamat sa pagbigay-pansin niyo Attorney sa aking katanungan sa problema kong ito.

Lubos na gumagalang,
Jocie

Ms. Jocie,

Madali pong so­lusyunan ang problema mo at ‘di na kailangang pumunta pa sa korte upang maa­yos ang pangalan mo.

Ang unang mong dapat gawin ay ipunin ang mga ebidensya tungkol sa matagal mo nang paggamit ng pangalan mo na siyang nakagisnan mo na tulad ng baptismal certificate, school records, IDs, NBI, PNP clearance at iba pa.

Pumunta ka sa Local Civil Registrar kung saan nakare­histro ang iyong kapanganakan at doon ay mag-file ng petition o application for change of name. May form na sila na maaari mong punan (fill up) ng detalye at iyan ay magkakaroon ng publication.

Kung sa malayo ka naman nakatira ay maaari mo itong iproseso sa Local Ci­vil Registrar kung saan ka nakatira.

Ayon sa Republic Act 9048, ang mga kondisyon kung kailan maaaring mabago ang pangalan:

(1) The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce; (Kung pangalan mo ginagawang katatawanan o kaya ay nilalait ka dahil sa pangalan mo)

(2) The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that first name or nickname in the community; (kung ikaw ay matagal nang kinilala sa pangalang gamit mo sa ngayon)

(3) The change will avoid confusion (ang hiling na pagbabago ay upang maiwasan ang kaguluhan… halimbawa may kapangalan kang isang kilalang kri­minal).

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.