Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salto ng Lakers sinisi kay Morris

0 130

Si Markieff Morris ang sinisi ng ilang Lakers fans kaya nakawala sa Los Angeles ang NBA title noong Biyernes sa Orlando bubble.

Sa dying seconds, nabawi ng Lakers ang offensive rebound mula sa airball na 3-pointer ni Danny Green. Napunta kay Morris ang bola, tinapon naman sa labas.

Iwan lang ng isa noon ang Lakers.

Pinagpiyestahan ng haters si Morris.

Kung binalik aniya kay LeBron James o pinasa kay Anthony Davis na nasa ilalim ng basket, o kaya ay sumalaksak na lang sa basket o sinigurong maayos ang tira, tapos na sana ang boksing.

Tuloy, napreserba ng Miami Heat ang 111-108 Game 5 win para idikit ang series deficit sa 3-2.

Sa halip na i-close out ng Los Angeles ang Miami, napuwersa pa ang Game 6 ngayon.

“Best thing about a loss is you get to really see who’s with you and who ain’t,” buwelta ni Morris sa haters niya.

Nakawala ang titulo sa Lakers sa kabila ng monster game na 40 points, 13 rebounds at 7 assists ni LeBron. Tumapos si Davis ng 28 points at 12 boards.

Galit na galit ang ibang fans kay Morris, may isang tumawag sa kanya ng “stupid” sa krusyal na turnover na ‘yun.

Win-or-go home pa rin ang Miami, pero pipiliting nakawing muli ang Game 6 para makapuwersa ng winner-take-all. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.