Abante Tonite Interactive

Saltong papogi

85

Pogi points na san­a si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa 29th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos dahil sa kabila ng kontro­bersiyang nangyari kaugnay sa maanghang nitong pahayag kontra kay US President Barack Obama ay maaayos ang naging pagtanggap sa Pangulo ng iba pang lider na bahagi ng nasabing pagpupulong.

Sa katunayan tanging ang Pangulo lamang ang pinagkakaguluhang pinuno na dumalo sa summit kung pagbabasehan ang mga nag­lalabasang artikulo sa diyaryo at sa online news.

Patunay dito ang kaliwa’t kanang pagpapa-selfie ng mga delegado at mismong mga foreign mi­nisters na magalang namang pinagbibigyan ni Pangulong Duterte.

Ginulat din ng Pangulo ang lahat o ang buong mundo sa pagsusuot nito ng coat and tie.

Hindi naman kasi li­ngid sa kaalaman ng lahat na malaking isyu sa Pangulo ang pagsusuot ng mga kagaya ng damit na kanyang isinuot sa ASEAN summit.

Kaya inulan ito ng pa­puri ang Pangulo  dahil na­dala niya nang maayos ang pagdalo sa mga nakalinyang mga aktibidad sa kumperensiya at ang pinakama­laki pang factor ay ang pagtatalumpati nito nang hindi siya nagmumura na alam naman nating kaya niyang gawin, lalo na sa harapan ng banyaga.

Kanya nga lamang ang pogi points na ito ng Pangulo ay nalamatan dahil sa ipi­nalabas na Press Statement ng Palasyo ng Malakanyang kamakalawa na nagsasabing magtatabi sina Pa­ngulong Duterte at US Pre­sident Obama, gayundin si UN Secretary General Ban Ki Moon sa gala night.

Todo abang ang sambayanang Filipino at ma­ging ang buong mundo sa pinakapapanabikang eksena lalo na’t mainit-init pa ang ginawan­g pag-atake ng Pa­ngulo kina Obama at UN Sec. Gen Ki Mon na  nangi­ngialam sa laban kontra iligal na droga ng bansa gayundin sa nangyayari umanong extra judicial killing sa bansa.

Pero ang eksenang iyon ay hindi nangyari dahil a­yon sa ilang nagpapalu­sot na opis­yal ng Malakanyang, nagbagong bigla ang seat plan.

Ipagpalagay na nating nagbago ang seat plan pero nariyan ang mga taga-PCO na delegasyon ng Pangulo dapat ay ginawan ng matinong anggulo ang press statement dahil lumalabas na namang atat na atat ang Pangulong makatabi ang dalawa.

Mano bang magpalabas kayong maiksing statement ng pagbabago at hindi iyong basta na lang naglabas na animo’y isa nang totoong pangyayari.

Marami pa talagang kakaining bigas ang mga taga-PCO dahil sa ganyang ka simpleng krisis ay hindi ninyo naresolba.