Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saludar sapol WBA crown

0 33

Wagi si Vic Saludar kontra kababayang si Robert Paradero via split decision 118-110, 115-113, 116-112 sa upakan para sa bakanteng WBA strawweight title sa Binan, Laguna kahapon.

Nagsusukatan ng lakas sa mga unang round ang dalawa ngunit pagdating sa third frame ay mas naging agresibo ang Polomolok pride.

Sinubukang bumawi ni Paradero sa fourth round nang kumunekta ng solid left throw sa panga ni Saludar.

Pagdating ng fifth at sixth round ay nagpasiklab uli ng pamatay niyang counter punches si Vic.

Dahil sa nakuhang panalo ni 30-anyos Saludar ay angat na ang kartada nito sa 21-4 habang si Paradero naman ay nalasap ang unang talo sa

19 bakbakan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.