Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saludo kay Yuka

0 139

Pambihira talaga ang naging tagumpay ni Yuka Saso sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship 2021 sa The Olympic Club sa San Francisco, California Linggo (Lunes sa Maynila).

Ilan sa mga nagawa ng tagumpay niya?

Naging unang Pinoy o Pinay ang 19 na taong Fil-Japanese na nanalo ng isang world major golf event at tinablahan pa si two-time winner Inbee Park ng South Korea na maging ikalawang tinedyer na nanalo sa pinakamatagal nang major event sa edad na 19 na taon, 11 buwan at 17 araw.

SM food to go Banner Ad

Ikalawang Pinay siyang namayagpag sa LPGA Tour tapos ni Jennifer Rosales noong 2004 Chick-fil-A Charity Championship 2005 SBS Open sa Turtle Bay.

Dumating ang US Open win sa pampito niyang LPGAT event na pangatlo sa US. Bilang amateur pa, sablay siya sa cut noong 2019 at tumabla sa 13th place noong 2020. Binura niya rin ang dating best finish na fourth sa US ni Rosales noong 2004.

Ikatlong pro win ito ng anak ng Hapon at Pinay makaraang makadalawa sa 53rd Japan LPGA Tour nitong August 2020,ang NEC Karuizawa 72 Golf Tournament at Nitori Ladies Golf Tournament.

Kaya kaisa ang TP sa nagbubunying mga Pinoy sa pagsaludo sa iyo, Yuka.

Leave A Reply

Your email address will not be published.