Abante Tonite Interactive

Saludo sa mga taga-sports

237

Patuloy na buma­baha ang mga suporta ng ating mga kababa­yan sa mga apektado sa pagputok ng Bulkang Taal nitong Enero 12 sa Batangas.

Kinakapos man na sa pondo ang mga kinauukulan, at kulang pa rin ang mga tulong para sa mga bakwit nating Batangueno, nakakagaan ng loob na ‘di nagpapaiwan na may mga mabuting kalooban ang larangan ng sports.

Nariyan ang Philip­pine Basketball Association Board of Go­vernors sa pangunguna nina Chairman Victorivo Vargas ng Tlk ‘N Text at Commissioner Wilfrido ‘Willie’ ­Marcial na nagbigay na ng P1M, ang komunidad ng volleyball sa pangu­nguna ni Alyssa ­Valdez na sandamakmak na mga canned good ang dinala, at eight-time world ­professional ­boxing champion Sen. Emmanuel Pacquiao.

Ang magkapatid na Kiefer Isaac Ravena at Ferdinand Ravena III, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), pamil­yang Karmer sa pangu­gnuna ni dating PBA star Douglas at marami pang iba.

Dalangin kong bumuhos pa ang mga ayuda sa mga kababayan natin. ‘Di lang sa mga taga-Batangas kundi pati sa ilang bayan sa Laguna at Cavite na apek­tado rin ng nasabing kalamidad.

Maging ang Prage Management Corporation na mga tagapag­lathala po ng Abante at Abante TONITE, sa pangunguna ng aming mga boss na sina President Rey Marfil at General Manager Gil Cabacungan Jr. nakatulong na rin sa Taal euption victims.

Lord kayo na po ang bahala sa mga may ginintuang puso ­ninyong nilalang.
***
Gusto po ba ninyo ng postgraduate degree study, pero ‘di kaya o walang panustos?

Puwes, tumutulong po ang Ajinomoto Phi­lippines Corporation sa pamamagitan ng Ajinomoto Scholarship Foundation na maabot ang inyong pangarap.

Sa mga interesado sa 2021 Ajinomoto Postgraduate Scholaship Grant, mag-log on lang po sa www.ajinomoto.com.ph/what-new.

Ang deadline ng apllication ay sa Marso 1, 2020. Maaaring kontakin si Ms. Deborah Sales, RND sa +(63)2 895-6081 local 8137 o sa deborah_sales@ajinomoto.com.