Abante Tonite Interactive

SALUDO SA PHL SPORTS’ BEST

129

Mamayang gabi na ang Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night na kikilala sa pinakamakikinang na athletes at sports perso­nalities ng nagdaang taon.

Si Rio Olympics wo­men’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang tatanggap ng pinakamataas na parangal na Athlete of the Year mula sa oldest media organization ng bansa na itinatag noong 1949.

Sa event na hatid ng San Miguel Corp. at Milo sa Le Pavillon sa Met­roPark sa Roxas Blvd., Pasay, 91 pang crème de la crème ng PHL sports ang gagawaran ng parangal.

Pangungunahan nina Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez at Philippine Olympic Committee presi­dent Peping Cojuangco ang mga babati sa stars ng affair na binak-apan ng PSC, Smart, Phoenix, Foton, ICTSI, GlobalPort, Mighty Sports at Rain or Shine.

Lifetime Achievement awardee si GM Eugene Torre, President’s Award kay Milo Rivera, Executive of the Year si Phi­lip Ella Juico, National Sports Association of the Year ang Philippine Athletics Association.

Posthumous awardees ang icons ng PHL sports na sina Caloy Loyzaga, Baby Dalupan at Boy Codinera.

Ang mga hindi nakatanggap ng imbitas­yon, maaaring perso­nal na makuha sa registration center sa venue ng prog­ram na inayuda­han din ng PBA, Fede­ral Land, SM Prime Holdings, Meralco, Accel, NLEX, MVP Sports at PCSO.