Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Saludo sa tagumpay ng BCDA

0 133

Isang pagbati sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa napakahusay nilang serbisyo sa taong ito at paglikom ng high record na kontribusyon na nagkakahalagang P48 billion na revenue na ambag sa kaban ng bayan.

Ipinagmamalaki ng Taguig ang BCDA dahil sa epektibo at mabilis nilang pamamalakad at dahil matatagpuan rin ang BCDA sa Taguig.

Isa ang BCDA sa matagumpay na government-owned and controlled corporations (GOCCs). Bilang katuwang ng gobyerno sa pagpapalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang BCDA ay nakapaglaan ng pinakamataas na halaga na P34.2 bilyon para sa modernisasyon ng AFP.

Ito ay naimbag sa ilalim ng pamamahala ng dating BCDA president-CEO Vince Dizon na kamakailan lamang bumaba sa pwesto para tumutok naman bilang presidential adviser for COVID-19 response. Ang halagang P34.2 bilyon ay halos triple kumpara sa naiambag ng BCDA sa nakaraang administrasyon at halos doble sa mga naiambag mula 1993 hanggang 2010.

Kamakailan sa ulat ng Pangulong Duterte ay binigyang pugay niya ang performance ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ang malapit na pakikipag-ugnayan nito sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagbunga ng mga imprastraktura na ayon sa pangulo ay “matatandaan at mapapakinabangan sa mga susunod na dekada.”

Pamilyar ang lokal na pamahalaan at komunidad ng Taguig sa mabilis na kilos at magandang pamamalakad ng BCDA ngayon.

Katuwang sila ng lungsod sa mabilis na pag-unlad ng Barangay Fort Bonifacio kung saan matatagpuan ang BGC na nangungunang central business district sa bansa. Ang mga naging instrumento sa pambihirang pag-angat ng Fort Bonifacio bukod sa maayos na pamamahala ng lokal na pamahalaan ay ang Fort Bonifacio Development Corporation (FBDC) at BCDA.

SM food to go Banner Ad

Sa gitna ng pandemya ay tuloy ang kumpyansa hindi lamang ng mga mamimili ngunit pati na rin ang mga business owners sa ligtas at maayos na pagbubukas ng kanilang negosyo sa BGC. Ito ay dahil sa masusing paghahanda sa lungsod sa new normal at mahusay na paggabay ng BCDA at FBDC.

Pagkatapos ng tagumpay ng BCDA sa BGC ay pinagtuunan naman nito ng pansin ang development ng New Clark City sa Central Luzon na siyang magiging “showcase” ng Build, Build, Build program ng pangulo.

Kasama sa New Clark City development ang moderno, mas pinaganda at mas pinalawak na Clark International Airport sa Pampanga. Bukod dito, nariyan ang magagandang sports facilities na itinayo noong 2019 SEA Games na nagbigay karangalan sa Pilipinas. Dahil world-class ang mga sports facilities sa Clark ay dito ginagawa ang training ng ating mga atleta at maging ang mga galing pa sa ibang bansa.

Ang mga pasilidad na ipinatayo ng BCDA ang nagtayo ng bandila ng ating bansa sa global design and architecture stage. Ang New Clark City Athletics Stadium ay finalist sa world’s best completed buildings at the World Architecture Festival. Habang ang bagong terminal naman ng Clark International Airport ay isa sa anim na finalist para sa prestihiyosong 2021 Prix Versailles World Architecture and Design Award.

Bukod sa malaking ambag ng BCDA sa imprastraktura ng bansa at AFP, ito rin ay nakapag-remit na ng P71.18 bilyon sa National Treasury mula nang maitatag ito noong 1992. Ang bahagi ng halaga na ito ay naging kontribusyon ng BCDA bilang pondo para sa COVID-19 response program ng gobyerno.

Patuloy na nagsisilbing modelo ng modernisasyon at pagpapalawak ng Build, Build, Build program ang BCDA. Agresibo sila sa pagpapatupad ng mga proyekto para makapagpatayo ng modernong mga siyudad, mapalago ang ekonomiya at makalikha ng maraming trabaho. Inaasahan din ang patuloy na paglago ng mga ito sa ilalim ng magaling na pamumuno ni BCDA Chairman Greg Garcia at sa lahat ng bumubuo ng kanilang opisina.

Napakahalaga ng mahusay na pamamalakad ng mga ahensya ng gobyerno para maging matatag ang muling pagbangon ng ating ekonomiya mula sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.