Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salvador Garcia, Melissa Enriquez relationship goals

0 125

Mapapa sana all ka nalang talaga sa relationship goals, couple goals, jowa goals or whatever you call it ng social media stars na sina Melissa Enriquez at Salvador Garcia (Road to forever na ba ito? Baka naman..Charrr!).

Well hindi naman na bago on our generation ang ganitong klaseng setup ng relasyon sadyang may mga pinagpala lang talaga when it comes to relationship at meron din naman minamalas-malas kung minsan (Mukang dun ako sa minalas-malas LOL!).

Kamakailan nga lamang ay nag-post ang dalawa sa social media account ng kanilang summer vacation at may pa bonus pa na putok na putok na abs si Salvador, siyempre magpapahuli ba naman ang ating Mima sa kanyang narrow curve shape na pangangatawan. Kaya naman dinumog ng mga netizen at ng mga chismosa nating kapitbahay ang post na ito ni Salv at Melissa.

Sa aking interview noon kay Salvador sa programang ‘Aba Trending’ na napapanood sa Abante Radyo Tabloidista FB Page naibahagi niya sa akin kung gaano siya kasaya nang maging sila ni Melissa at nung sila nga ay nag sisimula pa lamang marami ang tumaas ang kilay at sinasabing ginagamit lang niya ang sikat vlogger.

Naikwento rin niya sa akin kung paano niya pinatunayan sa pamilya, mga kaibigan at mga fans ni Melissa na hindi pera at kasikatan lang ang habol niya sa vlogger kundi tunay na pagmamahal. Dagdag pa ni Salv kung ang iba ay LGBT ang tingin sa kanyang jowa, pero para sa kaniya si Melissa ay isang tunay na babae biro pa nga nito mas maganda pa raw si Melissa sa kanyang mga naging ex-girlfriend (Sana all nalang talaga! Charrr!).

Samantala nang inurirat ko pa si Salvador kung bet ba niya rin mag showbiz wala naman pag aatubili na sinagot ito ni Salv na kung may opportunity why not siyempre game na game rin naman akong sinagot nito kung okay ba sa kaniya ang mga sexy role at aniya kung kaya naman why not ang tanong papayagan ba siya ni Melissa sa mga sexy roles.

Para naman updated ka sa all day all night na summer body goals ni Melissa at Salv pwes I follow lamang sila sa kanilang mga social media account lalo na sa mga naglalaway na mga ‘marites’ dyan ano pang hinihintay niyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.