Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salvador naghamon ng demanda sa PA

0 617

Nagbigay na ng kanyang panig si Janella Salvador hinggil sa mga reklamo sa kanya ng dati niyang personal assistant partikular na ang utang daw ng aktres na P3,600.

Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ni Raffy Tulfo ang dating PA ni Janella na nagngangalang Michelle Pelongco at marami siyang inirereklamo kabilang na ang pagkain, mababang sweldo, benefits at unpaid balance.

Sa nasabing programa ay hindi nakunan ng panig si Janella dahil ayon kay Raffy ay sinubukan nila itong kausapin pero ipinasa raw ng aktres sa handler ang telepono na nagsabing babalikan sila pero hindi naman daw nangyari hanggang sa hindi na raw nila ito makontak.

Kahapon ng umaga ay naglabas ng statement si Janella sa kanyang Twitter account at aniya ito raw ang una’t huling beses na magsasalita siya tungkol sa “PA issue.”

“Thank you for your sweet messages.

“I really don’t believe I have to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this,” ang bungad ni Janella.

Itinanggi ng aktres ang akusasyon at hinamon niya ang PA na idemanda siya.

“if you believe in your own lies and I really violated something, sue me. If you’re gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me…sorry hun,” mensahe ni Janella sa PA.

Definitely, hindi balak bayaran ni Janella ang sinasabing “utang” niya sa PA na P3,600.

Aniya, “3.6k is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time.”

Pagtatapos ng tweet ng aktres, “we are literally still going through a PANDEMIC and our press freedom is in in danger. Next.”

Willie naniniwalang babalik ang ABS-CBN

Maging ang Kapamilya turned Kapuso TV host na si Willie Revillame ay nagpakita ng suporta sa problemang kinakaharap ngayon ng ABS-CBN. Positibo siya na makakabalik pa rin sa ere ang Kapamilya channel.

Sa kanyang programang Tutok To Win sa GMA-7 ay maikli nilang napag-usapan ang kabilang network ng guest niyang si Super Tekla at co-host na si Donita Nose.

Tinanong kasi niya Willie si Tekla kung nanonood ng Tutok to Win at sagot naman ng comedian ay oo raw.

“Anon’g channel?” tanong ni Willie.

“’Yan lang naman ‘yung natira, eh,” sagot ni Tekla, meaning GMA-7 na lang ang natirang channel.

Nagkatawanan sila at sey ni Willie kay Tekla na pabiro, “walanghiya ka.”

Pagkatapos nito ay idinugtong ni Willie, “babalik ‘yan (ang ABS-CBN).”

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Willie at ABS-CBN noong 2010 pero hindi maitatatwang dito siya nagsimulang sumikat bilang TV host at noon pa naman ay lagi niyang sinabi na tinatanaw niya ito ng malaking utang na loob sa network. Noon pa rin niya nilinaw na wala siyang ill feelings sa network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.