Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Salvage victim ginapos sa poste

0 336

Binalutan ng duct tape ang mukha, may tama ng bala sa ulo at nakagapos sa isang poste nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na naka-orange na t-shirt at pulang shorts.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit – Quezon City Police District, alas-5:00 ng madaling araw (August 1) nang madiskubre ng street sweeper na si Joanne Foranda ang bangkay ng biktima sa kanto ng NIA Road at BIR Road sa Brgy. Pinyahan.

Ayon kay Foranda, nagwawalis umano siya nang mapansin ang lalaking nakagapos sa lugar at muntikan pang hakutin ng mga basurero sa pag-aakalang basura.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad namang humingi ng tulong si Foronda sa barangay, na siyang nagreport sa pulisya.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nakagapos sa likod ang mga kamay ng biktima gamit ang sinturon at may karatulang nakasulat na “holdaper/snatcher pusher ako…’wag tularan sputnik gang.”

Nasamsam sa lugar ang apat na basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy kung sino ang mga may kagagawan nito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.