Abante Tonite Interactive

Salvage victim inasinta sa ulo habang nakagapos

344

May dalawang tama ng bala sa ulo at nakatali sa likuran ang magkabilang kamay nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa Quezon City, Lunes ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang PhilHealth ID na si Rommel Fajutag, nasa hustong gulang taga-Gawad Kalinga, Happy Land, Vitas, Tondo.

Sa report ni PMSg. Roldan Cornejo, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, natagpuan ang bangkay ni Fajutag, ala-1:30 ng madaling-araw kahapon sa Araneta Avenue, Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Ayon sa Galas Police Station, isang tawag ang natanggap nila tungkol sa isang duguang lalaki sa lugar.

Nang rumesponde ang mga pulis, tumambad ang bangkay ng biktima na nakatali ang dalawang kamay at may dalawang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Walang makapagsabi kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Sa imbestigasyon, posibleng doon binaril ang biktima dahil may dalawang basyo ng bala na nasamsam ang SOCO team na pinamumunuan ni Police Lt. John Agtarap sa lugar. (Dolly Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad