Sam alalay ni Catriona

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin na rin mismo si Catriona Gray sa relasyon nila ni Sam Milby na unang ibinunyag ng aktor noong May 23 (his birthday, actually) sa Instagram account nito.
Sa latest interview ng press and bloggers kay Catriona sa isang press conference, inamin niyang sila na ni Sam even before May 23.
Nahingan nga rin ng reaksyon si Miss Universe 2018 sa statement ni Sam na ipinaglaban siya nito at ayon sa beauty queen ay sobrang grateful siya sa boyfriend.
“I’m just very grateful for his support. He’s been a steady supporter of really, everything that I do,” aniya.
Sobrang na-appreciate rin daw niya na pati ang mga causes niya ay sinusuportahan ni Sam.
Samantala, natanong din si Catriona kung ano ang masasabi niya sa mga shady posts ng kanyang ex-BF na si Clint Bondad na tila patama sa kanya at pati na rin kay Sam.
“I just hope that everyone would really keep an open mind to what’s being talked about and I hope that we would also be careful with how we discern information.
“I just want to continue my efforts towards my work and towards helping the causes that are near to my heart,” pahayag ni Cat.
Vice umuulit na ng damit
Maging si Vice Ganda ay aminadong nagtitipid din ngayon since as we all know ay wala rin siyang gaanong income dahil sa nangyari sa ABS-CBN aside from the fact na panahon pa nga ngayon ng pandemya.

Ayon kay Vice Ganda nang makatsikahan ng entertainment press and bloggers para sa kanyang Vice Ganda Network, hindi na raw siya nagsa-shopping ngayon.
“Wa’ shopping, walang online shopping, kung may isa-shop man, essentials. Pero ‘yung splurge dati, ay naku, walang ganu’n day, as in wala. Wa shopping, wa’ rampa,” ani Vice.
Kung dati nga raw ay bihira siyang mag-ulit-ulit ng damit, ngayon daw ay hindi na ganu’n.
“Magmula nga nun’g bumalik ang (It’s) Showtime, wala akong isinuoot na bago, lahat, Juliet (ulit). Pa-juliet-juliet. Eh dati, pag mag-juliet ako ng damit, ang tagal. Taon.
“Ang dami ko talagang damit. Alam mo, yun ‘yung isa siya sa kasiyahan ko. Nagbibigay siya sa akin ng kasiyahan dati. Na kunyari, pag nai-stress ako, may nabibigay siya sa aking therapy pag nagsa-shop.
“Ngayon, wala day! Walang ganu’n. Walang shopping-shopping,” sey pa niya.
Mabuti na nga lang daw at may produkto siya ng cosmetics siya kaya hindi na rin daw siya bumibili ng make-up.
Ine-enjoy na lang daw niya ang kung anumang meron siya ngayon.
“I-enjoy mo ‘yung bahay mo, enjoy mo ‘yung mga kasama mo sa bahay, enjoy mo ‘yung kung anon’g meron ka na ngayon. Kasi nga, hindi naman sila (material things) mahalaga ngayon. Ang mahalaga, eh safe ka,” sey pa niya.
When asked kung ano ba ang nakakapagpasaya ngayon sa isang Vice Ganda, aniya, “madami naman, si Ion (Perez, dyowa niya), ‘yung pamilya ko, ‘yung Showtime, ‘yung audience ko. Pero sa ngayon talaga, ang makakapagpasaya sa akin at feeling ko sa ating lahat, peace.”
Samantala, maraming bagong contents na mapapanood sa Vice Ganda Network kabilang na ang hit online show na Gabing Gabi na Vice.