Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam binantaan ang buhay

0 112

Sa isang panayam ng isang online magazine, inamin ni Sam Milby na isa sa pinaka-handicap niya pagdating sa acting ay ang pagkakaroon niya ng American accent.

Sa loob kasi ng maraming taon, aminado namang pinagsisikapan niyang maging dalubhasa sa kanyang pananagalog.

Katunayan, hanggang ngayon daw ay patuloy ang pag-aaral niya ng wikang Tagalog.

Ito rin daw ang dahilan kaya nalilimitahan ang roles na ini-ooffer sa kanya.

“Oh, yeah, definitely. Because kung may accent, kailangan, o, taga-mayaman na pamilya dahil may accent, parang lumaki siya na Ingles ‘yung first language so that’s why may accent. So, it has to have that backstory. Hindi puwedeng taga-probinsya ka. I mean, probinsya, du’n siya lumaki tapos may accent siya? So, I’m limited in my acting roles ‘di ba?,” ani Sam.

Hindi rin niya itinanggi na minsan ay nako-conscious pa siya lalo na’t medyo malalim na Tagalog ang kanyang bibigkasin.

“My problem also is I’m an over thinker. So, kahit may mga times na parang feeling ko dalubhasa na ako, okay naman ‘yung accent ko pero dahil sa overthinking ko… I get into my head, and ‘yung kaba, it takes over. Mas lalo kapag galit ako sa Tagalog, nahihirapan ako because tumitigas ‘yung mouth ko

and it just doesn’t come out naturally. And I’m not trying to make any excuses. But I am actively working on it,” paliwanag niya.

Gayunpaman, natutuwa raw naman siya dahil may mga markadong role na napapansin ang kanyang acting tulad ng mga papel niya sa “Huwag Kang Mawawala” at “Halik”.

“It was my first time playing a dark, gray character. And of course, Halik. I’m proud of how my character was able to affect people,” pagbibida niya.

Noong daw ipinortray niya ang papel ni Ace Corpus sa “Halik”, marami raw siyang natanggap na DMs na galit na galit sa kanya.

Pagbubunyag pa niya, nakatanggap nga raw siya ng ‘death threats’ dahil sa kanyang role bilang philandering husband.

“A lot of people were galit na galit sa akin. I was scrolling instagram and saw that I was even receiving death threats. But for me—I don’t know if they were actually being serious. I even got a message for my handler, saying she loves me but she can’t see me right now cause she was so affected and mad at my character on the show. Which made me feel even more proud that someone so close to me was so hooked and affected by this show,” pagbabahagi niya.

Pagkatapos makagawa ng humigit-kumulang na 17 movies at 11 teleseryes, gusto raw namang subukan ni Sam Milby ang mag-aksyon.

“I would love to do more action cause I’ve been into sports my whole life and I feel like I could showcase more of my athleticism through this genre. I would even like to do darker roles, because I just admire how actors can portray a character that’s so far from themselves. But my main goal continues to be improving my Tagalog and working on my accent, so I won’t be limited in roles in general,” pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.