Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam, Cat lumayas sa Pinas

0 208

Magkasamang umalis ng Pilipinas sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby.

Sa Instagram nag-post si Catriona ng larawan habang hawak ang kanyang passport.

May litrato rin kung saan nakapatong ang ulo niya sa balikat ng nobyong si Sam.

“Sooo excited to be seeing more of the world with my second favourite adventure buddy (first of course, is mama @mitagray)! Its been a long trip but such a relaxing and seamless one,” saad niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi binanggit ni Catriona kung saan sila pupunta at sinabi lang ang tungkol sa first on-screen project nila ni Sam.

“Which part of the world are @samuelmilby and I off to for our first on-screen project together?” sabi pa ng beauty queen.

Kabilang si Gray sa kinuha na maging isa sa mga host ng Miss South Africa 2021 pageant. Gaganapin ang grand coronation night sa Cape Town Grand Arena sa Oct. 16. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.