Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam ‘di perfect dyowa kay Catriona

0 1,460

“I’m so thankful I get to do life with you,” munting bahagi mula sa pagbati ni 4th Philippine Ms.Universe Catriona Gray . Mababasa ito sa kanyang IG post para sa kaarawan ng kanyang beloved na si Sam Milby.

Siyempre pa, ang mga nanalig at sumusuporta sa relasyong Gray at Milby, nagbunyi sa pag-alalang ito ni Queen Cat para sa naghahari sa kanyang romantikang puso. Saan nga ba patungo ang pagmamahalang ito?

Ma at pa, malay ko at pakialam ko for long at hindi ‘yung bagong anthem mula sa SB19 na “MaPa,”huh!

Upgrade naman talaga si Samuel after her longish relationship with her ex na ‘wag na nating pangalanan pa dahil the WHO na naman ito.

Ang diva that you love, and the rest of the peeps, hindi naman sa minamaliit namin ang pagkalalaki at pagiging lalaki ni Milby, we opine that Catriona deserves better, if not the best.

Parang mas bagay na bagay si Bb.Gray sa isang media mogul, film maverick, business tycoon o kaya ay royalty. Pero ano pa nga bang blooming ang magagawa nating lahat eh lumundag na at nagsusumigaw ang kanyang puso sa binatang hanggang ngayon, debatable pa rin kung marunong na itong umarte.

Ang hindi debatable at tiyak marami ang magiging mausisa, ang binabanderang bagong kanta ngayon ni Gray, ang “Raise Your Flag.”

Pangatlong kanta na niya ito at parang this is the song na susuportahan ng a hundred million Filipinos dahil naging battle cry niya ito during her Ms.Universe win.

May teaser na ang anthem sa kanyang IG account and it sounds bouncy and perky .Pasok na pasok sa di masyadong pihikang panlasa ng mga milenyal.

Related Posts

Pag ang kantang ito hindi pa rin naging hit lalo na nga’t pangatlong attempt na ito ni Catriona, itigil na niya. Kalimutan na niya ang kanyang ambisyong maging singing sensation. Mas marami pa siyang artistic pursuits na puwedeng i-pursue, sa true lang.

Darren katakam-takam ang kilikili

Dahil bente anyos na si Darren Espanto, binatang-binata na ito kaya ayan na nga, go for gold ang pagbuyangyang niya sa kanyang kilikili.

Parang stud muffin in a BL drama ang posing ni Espanto na white sando ang suot paired with cream pants. Hulmang-hulma sa sando ang kanyang borta body. Yes oh yes, takam na takam at tilam na tilam ang mga may armpit fetishes sa pa-reveal niyang ito.

In fair Verona kay Darren, he is turning out to be a fine looking gentleman na may international appeal at projection. ‘Yung kasabayan niyang one hit wonder, parang wala namang masyadong naghahanap ngayon kung nasaan na siya.

Kung sa buwan na siya nakatira, mabuti naman.

Ngayong ipinapakita na ni Darren Espanto ang kanyang mga kilikili, kailan naman kaya siya magpapa-pictorial sa swimming trunks ang tanging saplot?

Dapat ito ang next pasabog dahil summer naman ngayon di ba? Siya dapat ang magbalik nito sa uso . Tigilan na muna ang suot sa beach eh board shorts.

Dapat malaman na rin kung may pa-santol at pa-macopa ang binata. Kung alagad ba siya ni Felix Bakat? Ang saya nun, hindi ba? Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.