Abante Tonite Interactive

Sam humina ang radar sa‘Gender’ ng dating dyowa

By
3,970

Ikinagulat ni Sam Milby ang rebelasyon ng kanyang ex-girlfriend na si Mari Jasmine na may experience ito na makipagrelasyon sa lalaki at sa kapwa babae. Nasorpresa rin siya sa gender ng kanyang dating dyowa na ang karelasyon ngayon ay si Direk Samantha Lee. Mahina raw ang radar niya nu’ng time na sila pa kaya wala siyang nakitang sign.

Pero hindi bitter si Sam kung ano ang kasarian ni Mari. Masaya raw siya para sa ex-girlfriend kung saan ito happy. Ito ang reaksyon ni Sam nang uriratin ng press sa mediacon ng bago niyang serye na ‘Halik’ kasama sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

Nili­naw rin niya na walang overlapping na nangyari sa kanila.