Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sam inaabangan proposal kay Catriona

0 53

Marami ang nagbunyi nang ianunsyo ni 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach ang engagement niya kay Jeremy Jauncey.

After all, nasa wastong edad na rin naman ang beauty queen-actress para lumagay sa tahimik.

Sey nga ng kanilang followers, perfect match daw ang couple dahil swak ang kanilang good looks and intelligence.

At dahil napag-uusapan ang confidently beautiful with a heart na beauty titlist, can 2018 Ms.Universe Catriona Gray be far behind?

Kahit pa nga sinabi ni Pia na walang kompetisyon sa kanila ni Cat, hindi maiiwasang pagkumparahan pa rin ang dalawa.

SM food to go Banner Ad

Hindi lang sa kanilang achievements kundi maging sa aspeto ng kanilang lovelife.

May kibitzers ngang nang-uurot na hinihintay na rin nila ang araw na ihayag ni Catriona na soon to be ay magiging Mrs.Sam Milby na siya.

Naniniwala kasi silang may silver lining na maaasahan si Cat pag nagkatuluyan sila ng actor.

Kaya Samuel, go, mag-propose ka na kay Catriona!

Leave A Reply

Your email address will not be published.